12th Cabinet Meeting

previous arrow
next arrow
previous arrownext arrow
Slider

 

 

July 16, 2019 – Pinulong ni Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang kanyang gabinete upang pag usapan ang mga mahalagang bagay at magbigay na rin ng updates tungkol sa naganap na pagpupulong kasama ang kanyang gabinete at si Presidente Rodrigo Roa Duterte, ayon kay Interim Chief Minister Ebrahim isa umano itong mahalagang pagkakataon upang personal na malaman umano ng ating pangulo mula sa kanila ang totoong sitwasyon ng BARMM.

Napagkasunduan din umano ang pagbuo ng Intergovernmental Relation Body o IGR na mula sa panig ng BARMM government at National government ang bumubuo nito.Dagdag pa ni ICM Ebrahim ipinagutos na rin umano ni pangulong Duterte na simulan nang i-exploit ang Liguasan Marsh para sa kinabukasan ng mga anak ng mga Bangsamoro.

Napag usapan na rin umano sa naturang Cabinet Meeting ang paghahanda ng Bangsamoro Government sa kasalukuyang Phasing out of ARMM agencies at Employees, Ilang Ministro rin ang nagpaabot ng ilang katanungan upang maliwanagan ang mga isyu na kanilang natatanggap sa kani-kanilang tanggapan.