1st BANGSAMORO LABOR SUMMIT

KAUNA-UNAHANG BANGSAMORO LABOR SUMMIT INILUNSAD
April 30, 2021 – Dinaluhan ng ibat-ibang may-ari at representante ng pribadong sektor ang naturang programa ng Ministry of Labor and Employment sa pangunguna ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA. Tinalakay ang mga pangunahing suliranin sa kasalukuyan ng mga manggagawa kabilang na dito ang pagsugpo laban sa pandaigdigang pandemiya o covid-19 na lubhang nakaapekto sa mga manggagawa. Isa si International Organization for Migration Country Representative Kristin Dadey sa nagbigay mensahe sa pamamagitan ng virtual teleconferencing o ZOOM bilang pagkilala sa ginagampanang tungkulin ng MOLE-BARMM at suporta sa anumang layunin nito sa mga manggagawang Bangsamoro. Binigyan din ng mga parangal ang mga piling mga manggagawa bilang pagkilala sa kanilang aktibong kontribusyon para sa interes ng kanilang kapwa manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *