2nd Orientation of Beneficiaries under the Reintegration Program

October 29, 2020—Isang daang dating overseas workers na kasalukuyang naninirahan sa Cotabato City ang dumalo sa “Orientation of Beneficiaries under the Reintegration Program: Hanapbuhay for Bangsamoro Balik Manggagawa.”
Ang programang ito ay ipinapatupad ng Bureau of Overseas Workers Welfare (BOWW) ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa pangunguna nina MOLE Minister Romeo Sema at designated BOWW Head na si Ms. Farhana Aizah Adam.
Ang programang ito ay naka-angkla sa 12-point priority agenda ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.
Ang orientation ay naganap noong Huwebes, ika-29 ng Oktubre, 2020 sa Pagana Kutawato Restaurant, Cotabato City. Ang mga Bangsamoro workers ay nabigyan ng kaalaman ukol sa basic entrepreneurial skills, financial literacy, basic bookkeeping at paggawa ng project proposal. Napag-usapan din ang memorandum of understanding tungkol sa pagpapatayo ng munting negosyo mula sa tulong pinansyal na nagkakahalagang P20,000.00, kasali na ang starter kits, para sa bawat manggagawa.
“Hindi lamang pagtatrabaho sa ibang bansa ang tanging paraan upang tayo ay mabuhay. Tayo po sa BARMM ay patuloy na gumagawa ng paraan at nagtutulungan upang magkaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng self-employment na bunga ng ating pagsisikap,” wika ni Minister Sema sa kanyang mensahe para sa mga manggagawa.
Sa kanyang pambungad na pahayag, binigyang diin ni OIC Bangsamoro Director General at MOLE Chief of Staff Engr. Dong Anayatin ang mga mapait na karanasan ng mga OFWs at mandato ng MOLE na maiwasan ang mga ito. Pinayuhan rin niya ang mga benepisyaryo na pag-ibayuhin ang pamamalakad ng kanilang napiling negosyo. “Ang aming Ministry ay nagpapatupad din ng Campaign Against Illegal Recruitment, Trafficking and Irregular Migration o CAIRTIM upang maiwasan ang mga pang-aabuso at trafficking ng mga manggagawang nagpapadala sa matatamis na salita ng illegal recruiters,” wika ni Engr. Anayatin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *