Al Nor visit

June 26, 2020 – Personal na binisita ni Minister MP Datu Romeo K. Sema ang AL NOR Hotel and Convention at AL NOR Mall upang makita ang sitwasyon o kalagayan ng mga manggagawa nito. Ayon sa may-ari na si Ginoong Abdulkahar G. Nul matumal ang daloy ng negosyo sa ngayon sa katunayan ramdam ng mga nangungupahan na negosyante ang dagok sanhi ng epekto ng COVID-19, na nagresulta sa pagbawas ng kanilang manggagawa gayun pa man positibo umano pa rin si Ginoong Nul na malalampasan nila ang kahalintulad na pagsubok at sinisikap pa rin umano niya na matulungan ang bawat manggagawa. Sa ngayon pinag-aaralan ni Minister Sema ang mga bagay na maaaring maitulong sa mga manggagawa pati na rin sa may-ari ng naturang establisimyento at bilang pagpapahalaga sa pantay na pagtingin sa pagitan ng dalawang sektor kung kaya’t tinitingnan nito na bigyan ng palugit o ekstensyon sa pagpataw ng Minimum Wage Adjustment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *