Babaeng nangingikil, nahuli

July 29, 2020 – Isang babaeng pinaghihinalaang nangingikil ang nahuli sa Ministry of Labor and Employment habang nagbabanta at sapilitang humihingi ng halagang P2,000.00 sa dalawang benepisyaryo ng Reintegration Program for Overseas Workers o Hanapbuhay para sa Bangsamorong Balik Manggagawa sa Cotabato City. Ang suspek ay nanggaling di umano sa isang munisipyo ng Maguindanao. Sa isang panayam kasama ang media, sinabi ni Minister MP Romeo K. Sema na mas paiigtingin pa ang polisiyang “No Third Party in the Transaction Process”at paiigtingin ang monitoring sa mga taong gustong mambiktima sa mga OFW upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa MOLE. Matiwasay na nai turn-over ang naturang suspek sa pakikipagtulungan ng Intelligence Security & Service o ISS – BARMM sa pinakamalapit na himpilan ng kapulisan dito sa Cotabato City. Ito ang unang insidente sa panunungkulan ni Minister Sema sa MOLE. “Ginagawa namin ang lahat upang maging maayos at matagumpay ang Reintegration Program,” wika ni Minister Sema.

MOLE-ICTG: Alex, Yara and Nhed

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *