Bangsamoro Constituent Forum, inilunsad

August 16, 2020 – Inilunsad ng Office of Member of Parliament (MP) Romeo K. Sema at ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) ang “Bangsamoro Constituent Forum” sa 8th Avenue Convention Hall, Kabacan, North Cotabato. Ang Forum na ito ay naglalayong mamahagi ng impormasyon ukol sa mga programa at proyekto ng Bangasamoro Government na nakalaan, sa pamamagitan ng MOLE at ng Opisina ni MP Romeo K Sema. Nais din nito na mapakinggan ang issues and concerns ng komunidad nang sa ganon ay malinaw na maipaliwanag o ‘di kaya’y maipaabot sa tugmang ahensya na tamang makapagbibigay linaw.

Ito ay dinaluhan ng mga barangay officials, MNLF/MILF commanders, youth and women sector na nanggaling sa 63 barangays ng North Cotabato. Si Minister Sema at ang kanyang staff ay sinalubong ng mainit na pagtanggap mula sa mga constituents ng 63 barangays sa pangunguna ni Coordinator Hadji Jabib Guiabar.

Ipinaliwanag ni Minister at MP Sema ang kasalukuyang kalagayan ng 6 major codes ng BARMM at ang Recruitment Agency Regulation Act of 2020.

Ibinahagi rin nina designated MOLE Bureau of Labor Relations and Standards Head Abdulrakman Nor at Legal Affairs Chief ng opisina ni MP Sema, Bailyn Nanding, ang layunin at takbo ng naturang forum at ang mga mahahalagang programa ng MOLE.

Kasali rin sa forum bilang mga tagapagsalita sina Hadji Jabib Guiabar (Coordinator of 7 Barangay Cluster, Kabacan), Zacalia Akmad, Hadji Abdulaziz Macalipat (Vice-Chairman of Bukidnon State/MNLF member) at Datu Allan Mantawil.

“Nagsisikap ang gobyerno ng BARMM sa pamumumo ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na gawin ang lahat upang mailapit sa mga komunidad ang BARMM government. Kami po ay laging handang makinig sa inyong mga imumungkahing proyekto at ang mga kaparaanan upang mapabilis ang implementasyon nito,” wika ni Minister at MP Sema.

Dagdag pa ni Minister at MP Sema na ang BARMM government ay mayroong “Moral Governance” at 12-Point Priority Agenda bilang gabay sa pamamalakad ng naturang gobyerno.

“Hindi po naging madali para sa amin ang pag-implementa ng lahat ng mga programa at proyektong nakalaan dahil sa Pandemyang dulot ng COVID-19 ngayong 2020. Naging limitado ang aming mga galaw, ngunit ngayon ay ginagawa po ng mga BARMM officials ang lahat para maisakatuparan at muling makapokus sa lahat ng mga programa,” wika ni Minister at MP Sema.

MOLE-ICTG: Alex, Nhed and Yara

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *