Bangsamoro Government presents services and programs in Tawi-Tawi

April 9, 2021 – Isa ang Ministry of Labor and Employment sa sampung Ministeryo na naglakbay patungo sa probinsiya ng Tawi-Tawi. Dala ang iba’t-ibang serbisyo at programa mula sa Bangsamoro Government sa pangunguna ni Interim Chief Minsiter Ahod. Talaga namang seryoso ang buong delegasyon dahil umabot sa apat na araw ang pamamalagi ng delegasyon upang masulit ng mga taga Tawi-Tawi ang serbisyo at programa na handog ng Bangsamoro Government. Ipinrisenta ni Minister Romeo K. Sema ang mga detalyadong programa ng MOLE kabilang dito ang dami at halaga ng mga naturang programa sa probinsiya ng Tawi-Tawi. Kabi-kabilang paglagda ng Memorandum Of Agreement, Groundbreaking ceremony at isa na dito ang paglagda ng kasunduan para sa Government Internship Program (GIP) sa pagitan ni Minister MP Romeo K Sema at Governor Ysmael I. Sali. Dito na rin isinagawa ang Cabinet Meeting sa probinsiya ng Tawi-Tawi na kung saan mismo si Governor Ysmael .I Sali ay naroon upang makasama sa pagpupulong at pagplano sa mga proyekto at programa ng bawat Ministeryo sa probinsiya ng Tawi-Tawi. Isa itong maliwanag na halimbawa at makamit ang kumpayansa ng mga mamamayan ng Tawi-Tawi sa gobyernong Bangsamoro na ito ay mabigyan lamang ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *