BOOST BANGSAMORO ORIENTATION

BOOST BANGSAMORO ORIENTATION MATAGUMPAY
June 1, 2021 – Ang Ministry of Labor and Employment (MOLE-BARMM) ay pumasok sa isang kasunduan para sa isang proyekto na pinamagatang “BOOST BANGSAMORO” kasama ang Centre for Humanitarian Dialogue o CHD noong nakaraang buwan upang masuri ang kasulukuyang epekto ng COVID-19 sa buhay ng mga Bangsamoro. Mahalaga ang gagampanang tungkulin ng bawat Ministeryo ng gobyerno ng Bangsamoro sa proyektong ito upang makita ang mga kailangan at maging batayan sa pagbalangkas ng mga panukalang batas na makakabuti sa mga Bangsamoro.Ayon kay Minister MP Romeo K. Sema isa umano itong pagkakataon na marinig natin ang mga boses ng mga vulnerable sectors lalo na sa usaping kaunlaran. Dumalo rin ang mga representate mula sa iba’t-ibang Ministeryo sa naturang oryentasyon upang malaman ang kani-kanilang partisipasyon o maiaambag sa naturang proyekto. Inaasahan na malaki ang maitutulong ng naturang proyekto upang mabilis na maiparating ang kanilang pangunahing pangangailangan lalo na ngayon sa panahon ng pandemiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *