BTWPB Meeting

October 9, 2021- Nagpulong ang mga miyembro ng Bangsamoro Tripartite Wage and Productivity Board o BTWPB sa pangunguna ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA upang iprisenta ang mga naunang kaganapan noong public consultations sa probinsiya ng Cotabato,Maguindanao,63 Barangays, Lanao del sur at Marawi City.
Inaayos na rin ang mga araw ng public consultations sa mga probinsiya ng Basilan,Sulu at Tawi-tawi ngayong buwang kasalukuyan. Sa mensahe ni Minister inaasahan nito na makalap hindi lamang ang boses ng mga manggagawa bagkus pati na rin ang mga may-ari ng mga tanggapan o establisimento upang maging batayan sa mga pasahod para sa mga manggagawa.