Ceremonial oath taking of MOLE employees for moral governance

December 26, 2020 (Koronadal City)—Nagtipon ang mga empleyado ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) upang isagawa ang opisyal na panunumpa o ang ceremonial oath taking for moral governance. Ito ay naganap noong ika-26 ng Disyembre, 2020 sa The Farm at Carpenter Hill, Koronadal City. Minarkahan ng seremonyang ito ang bagong simula ng pagtupad ng mga empleyado sa mga obligasyon at mandato ng MOLE. Ito ay isinabay sa pagsagawa ng General Orientation, Year-End Assessment cum Planning Workshop para sa paghahanda ng MOLE Work and Financial Plan F.Y. 2021.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA na ang Bangsamoro government ay bunga ng pakikibaka. “Ang inyong dedikasyon at teamwork sa trabaho ang siyang panibagong mukha ng pakikibaka ng Bangsamoro. Patunayan natin sa buong mundo na mahusay ang Bangsamoro pagdating sa pamamalakad ng gobyerno at pagtupad ng obligasyon.”

Nagkaroon din ng mensahe mula sa perspektibo ng obligasyon bilang mga Muslim si Ustadz Marhan Borhan, MOLE consultant for religious affairs. “Lagi tayong magpakumbaba at handang tumulong sa mga nangangailangan. Sundin natin ang magandang halimbawa at Hadith ni Propeta Muhammad (SAW).”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *