COLIGHT visits MOLE

March 10, 2021 – Binisita ng mga kinatawan ng Cotabato Light and Power Company (COLIGHT) sa pangunguna ni Anna Lea Lee Nataño at Jonathan Acosta ang Ministry of Labor and Employment upang ipakita ang pagkilala at suporta sa Bangsamoro Government. Kung matatandaan noong December 11, 2020 ay opisyal na nailipat na ang pangangasiwa ng DOLE XII sa Cotabato City at 63 barangays sa MOLE-BARMM. Ayon kay Minister Sema ang adbokasiya umano dito ay ang karapatan ng manggagawa na lumahok sa anumang gagawing desisyon lalo pa’t sa usaping interes ng mga manggagawa para mapagusapan kaagad sa level ng management upang magkaroon ng balanse na pananaw sa pagitan ng mga may-ari ng tanggapan o kompanya at mga manggagawa. Sa huli tiniyak ng pamunuan ng COLIGHT ang kooperasyon,suporta at opisyal pagkilala sa mga panuntunan ng MOLE-BARMM simula sa araw na ito at darating pang mga panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *