FORMATION OF BTIPC

March 15, 2021 – Matagumpay na ginanap ang pagbuo Bangsamoro Tripartite Industrial Peace Council na naglalayong bigyan pansin ang mga konsultasyon, pagbalangkas ng polisiya at ilang programa na nakakaapekto sa pagitan ng sektor ng paggawa, mga may-ari ng kumpanya o establisimento at MOLE-BARMM.Ayon kay Minister Sema pinapahalagaan ng Ministry of Labor and Employment ang ugnayan ng mga manggagawa at may-ari ng kumpanya o establisimento para sa ikakaunlad ng Bangsamoro region. Samantala sa araw ding ito pormal ng nanumpa ang mga bagong kinatawan ng Tripartite Industrial Peace Council in Bangsamoro at agad silang gumawa ng isang resolusyon para suportahan ang BTA extension hanggang 2025. Ayon kay Ibnuhasim Undug mahalaga ang ekstensyion ng BTA upang bigyang daan ang ilang inisyatibo na oportunidad dito sa mga lugar na kinasasakupan ng Bangsamoro region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *