Illegal recruiter victims received financial assistance from MOLE-BARMM

September 2, 2021 – Labing apat na nasagip na kababaihan mula sa illegal recruiter tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Ministry of Labor and Employment sa pangunguna ni Minister Romeo K. Sema,DPA. Mula sa iba’t-ibang lugar sa mindanao ang mga naturang biktima na nais makipag sapalaran sa ibayong dagat upang matulungan ang kani-kanilang mahal sa buhay subalit sila ay nabiktima ng isang illegal recruiter na ngayon ay kasalukuyang nakapiit sa tanggapan ng CIDG-Regional Field Unit ng Bangsamoro Autonomous Region. Sa mensahe ni Minister pinaalalahanan nito ang mga nagbabalak na makipagsapalaran sa ibayong dagat na mag-ingat at siguruhin na dumaan sila sa tamang proseso upang hindi sila mabiktima ng mga illegal recruiter at makipag-ugnayan sa tanggapan ng MOLE-BARMM para sa karagdagang pagpapatunay sa mga ahensiya na nagaalok sa kanila ng trabaho sa ibayong dagat. Inaayos na rin ang proseso ng pagpapauwi sa mga biktima sa kani-kanilang lugar upang makapagsimula muli ng kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *