ILO, Japan, MOLE; nagpatayo ng water supply system sa South Upi Maguindanao

ILO, Japan, MOLE; nagpatayo ng water supply system sa South Upi
MAGUINDANAO (November 9, 2020)—Ang International Labour Organization (ILO), gobyerno ng Japan at mga opisyal ng Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOLE) ay nagpatayo ng isang water supply system sa South Upi, Maguindanao.
Nasa isang daang sambahayan sa Timanan ang magkakaroon ng ligtas at malinis na tubig. Ang programang ito ay naka-angkla sa 12-point priority agenda ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni MOLE Minister Romeo K. Sema ang kanyang galak at pasasalamat sa local government ng South Upi, Parent Teachers Association ng Timanan Central Elementary School (TCES), ILO at gobyerno ng Japan matapos ang matagumpay na pagpatupad ng proyektong ito sa kabila ng krisis na dala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
“Halos 60% ng populasyon ng BARMM ay mahihirap… kaya naman napakahalaga at kapuri-puri ang proyektong ito,” wika ni Minister Sema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *