Implementation of MOLE Programs in Jolo, Sulu

December 9, 2020 (Jolo, Sulu) – Matagumpay na naisagawa ng Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM ang magkasunod na implementasyon ng mga programa na releasing of cash assistance sa ilalim ng Bureau of Employment, Promotion and Welfare o BEPW sa Sulu at maging Basilan province.
Sa naturang mga aktibidad, pinangunahan ni MOLE-BEPW OIC-Head Khaidar Kangah at kasama din sina Senior LEO Hamsa Nul, Chief LEO Mustapha Ibrahim, Secretariat Alinur Adam, Administrative Officer III (Cashier II) Mohmmad Essaffi Acmad, Admin Aide IV Samin Abo (Finance Division), Senior LEO Engr. Dimaporo Diocolano (BLRS Staff) at Asnodin Sanzo (Communication Group) at sa tulong ng Provincial OIC Head Elhoyar Jaamil ay matagumpay na naisagawa ang programa ng MOLE na Sagip Bata Manggagawa o SBM, Government Internship Program o GIP at advocacy and awareness Campaign Against Illegal Recruitment, Trafficking and Irregular Migration o CAIRTIM na isinagawa sa Jolo Municipal Hall, Sulu noong November 29, 2020. Naroon din sa nasabing mga aktibidad sina Senior Tourism Officer (MTIT) Nadayra Pulaw, Assistant MPDC, at Jolo Moh-Nur Alih, Jolo Councilor Radzhar Anni. Sa nasabing rehiyon ang programang GIP ay nakapagbigay ang MOLE ng stipend (sweldo) sa 182 GIPs at sa SBM naman ay nakapagbigay ng cash assistance sa 100 beneficiaries (P20,000.00) na isinabay din ang Advocacy and Awareness “CAIRTIM” sa magkasunod na mga aktibidad sa Pasil, Municipality of Indanan na nakapagbigay ng stipend (sweldo) sa 28 GIPs noong November 30, 2020.
Pagkatapos ng pamimigay sa Sulu province ay naisagawa naman ang parehong aktibidad na releasing of cash assistance at CAIRTIM advocacy and awareness na isinagawa sa Brgy. Calang, Canas Municipality of Maluso noong December 2, 2020, Basilan province particular ang Awareness Campaign Against Illegal Recruitment, Trafficking and Irregular Migration o CAIRTIM at sa Municipality of Maluso naman ay naisagawa ang Releasing of Cash Assistance ng 118 GIPs stipend at 60 beneficiaries naman sa SBM o Sagip Bata Manggagawa na naisagawa noong December 3, 2020 sa Municipality of Maluso Town Hall.
Ang huling araw ng pag-implementa ng MOLE ay ginanap sa Nalamar Restaurant Lamitan Basilan Province noong December 4, 2020. Ito’y magkasabay na mga programa ng MOLE: ang Bureau of Labor Relations and Standards o BLRS na Covid-19 Assistance Program o CAP na nakapagbigay ng ayuda sa 256 beneficiaries (P5,000.00 each) at sa Bureau of Employment, Promotion and Welfare o MOLE-BEPW naman na releasing of stipend sa 75 GIPs at sa Sagip Batang Manggagawa o SBM ay nakapagbigay naman sa 40 beneficiaries sa Lamitan City.
Sa kabuuan ay tinatayang 207 na GIPs stipend (sweldo), 100 SBM beneficiaries ang nabigyan sa Sulu Province at sa Basilan Province naman ay 193 na GIPs stipend at 100 SBM beneficiaries naman ang nabiyayaan ng cash assistance ng MOLE. Sa pagpapalawak ng serbisyong manggagawa sa pangunguna ni MOLE Minister MP Romeo K. Sema, DPA ay patuloy na makakapaghatid ng serbisyo para sa mga Bangsamoro na ayon na rin kay BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, dapat mailapit ang gobyerno sa mga Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *