Implementation of MOLE Programs

December 15, 2020 ( Midsayap, North Cotabato) – Matagumpay na naisagawa ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa ilalim nitong Bureau of Employment, Promotion and Welfare o BEPW sa pangunguna ni BEPW – OIC Designated Head Khaidar Kangah ang magkasabay na implementation ng mga programa na Government Internship Program (GIP), Sagip Bata Manggagawa (SBM) at Special Program for Employment of Students (SPES).
Samantala, naisagawa sa Pagana Restaurant sa Cotabato City noong December 13, 2020 na may kabuuang 132 na GIP’s ang nabigyan na ng stipends (sahod) na kung saan personal na ibinigay ni MOLE-BARMM Minister MP Romeo K. Sema, DPA ang kanilang mga allowances.
Sa sumunod na araw naman ay isinagawa sa 8th Avenue Kabacan, North Cotabato ang pamimigay ng cash assistance sa programang SBM, GIP at SPES noong December 14, 2020 na sakop nito ang Carmen at Kabacan, North Cotabato. Sa nasabing programa ang naibahagi ng MOLE sa Sagip Bata Manggagawa o SBM ay matagumpay na nakatanggap ang 86 na benepisyaryo at sa Government Intership Program o GIP naman ay may 177 na mga GIPs ang nakatanggap ng kanilang stipend o allowances at may 172 naman na SPES beneficiaries ang nakatanggap din ng kanilang allowances.
Sabay din na nabiyayaan ang mga lugar ng 63 barangays partikular ang Midsayap, Pikit, Aleosan, Pigcawayan at Libungan sa programa ng MOLE na SPES na may 120 students na nabigyan ng stipends at 120 GIP’s naman ang nakasama din sa mga nabigyan ng stipends sa nasabing programa ng MOLE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *