February 1, 2021—Ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) ay namahagi ng allowances para sa 75 na mga benepisyaryo mula sa impormal na sektor sa ilalim ng programang Community Emergency Employment Program (CEEP). Ito ay naganap sa Barangay Damalusay, Tual at Upper Idtig, munisipyo ng Paglat, Maguindanao. Ang CEEP ay naipapatupad sa pakikipagtulungan ng International Labour Organization (ILO) at pamahalaan ng Japan.