LABOR ADVISORY NO. 002

LABOR ADVISORY NO. 002
Series of 2020
Limitado lamang ang bilang ng mga benepisyaryo o ‘slots’ ng bawat probinsya at siyudad ng BARMM para sa Reintegration Program: Hanapbuhay for Balik Bangsamorong Manggagawa.
Nang dahil sa bugso ng maraming aplikanteng nagmula sa iba’t ibang lugar sa probinsya ng Maguindanao, nagpasya ang pamunuan ng Ministry of Labor and Employment na itigil na muna ang pagtanggap ng mga aplikanteng manggagaling sa naturang probinsya sa susunod na linggo simula nitong ika-17 ng Agosto, 2020. Ito ay upang bigyang daan na rin ang ‘evaluation’ ng mga naisumiteng ‘application forms’ at iba pang ‘requirements’.
Tanging ang mga aplikanteng nakapagpalista o nakapagregister noong ika-10 ng Agosto, 2020 sa logbook at mabibigyan ng ‘appointment schedule’ ang maaaring magsumite ng ‘requirements’ ngayong linggo.
Pansamantala rin po naming ihihinto ang logbook registration ng mga aplikanteng kukuha ng ‘appointment schedule’ mula sa araw na ito.
link: https://drive.google.com/file/d/1Ftu2OUrGLK6Oet8Jl9CFmMiVvc7bVEoX/view?usp=sharing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *