LAUNCHING OF TECH4ED CENTER AT MOLE OFFICE

March 11, 2021 – Pinasinayaan nina Minister MP Romeo K. Sema at DICT Regional Director Alimbzar P. Asum MC3 ang Tech4Ed programa ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa opisina ng Ministry of Labor and Employment. Ang layunin ng naturang programa sa buong pilipinas ay mabigyan ang mga komunidad na magkaroon ng access sa impormasyon,komunikasyon,teknolohiya at serbisyo ng gobyerno. Ayon kay Regional Director Asum napili nila ang Ministry of Labor and Employment dahil alam umano nila na malaki ang ginagampanan nilang responsibilidad dito lalo na sa mga Bangsamoro na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat. Pinasalamatan din ni Minister Sema ang DICT sa tulong na ipinaabot nito lala pa’t sa usaping teknolohiya aniya “Sa paghahanap ng oportunidad karamihan ay online lalo na sa paghahanap ng trabaho, kaya pagkakataon na ito upang matulungan natin ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng wastong pamamaraan ng paggamit ng computer.” Inaasahan ng Ministry of Labor and Employment and Department of Information and Communication ang patuloy na kolaborasyon para sa interes ng mamamayan ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *