MOLE and ILO visit Wao, Lanao Del Sur

March 30, 2021 – Pormal nang naisalin sa pangangasiwa ng Local Government ng Wao, Lanao del sur ang pangangalaga sa anim na water system na ipinagkaloob ng International Labour Organization mula sa tulong ng The people of Japan at Ministry of Labor and Employment . Inilahad din ni Mayor Elvino B. Balicao, Jr. ang suliranin ng kaniyang mga kababayan aniya hindi sapat ang kanilang pondo subalit nakahanda naman ang lokal na pamahalaan sa kaniyang pamumuno na punan ang kakulangan matulungan lang ang kaniyang mga kababayan lalo pa’t sa usaping tubig. Ibinahagi rin ni Project Advisory Review Committee Chairman at kasalukuyang Minister ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) MP Romeo K. Sema, DPA na ang tubig ay mahalaga sa buhay ng bawat tao at marami na siyang nakitang proyekto na katulad nitong Water system subalit dito sa Wao, Lanao del sur ay kakaiba dahil mismo ang lokal na pamahalaan ang nangunguna sa pagtulong sa kanilang mga kababayan magkaroon laman ng ligtas na tubig inumin. Bakas sa mga ngiti ng mga residente ng Barangay Cebuano group malaking pag-asa sa kabila ng pandaigdigang pandemiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *