MOLE-BLRS and MOLE-BTWPB IN BULUAN AND DATU PAGLAS, MAGUINDANAO

March 24, 2021 – Isinagawa ng Bangsamoro Labor Relations and Standards sa pangunguna ni Designated Head Engr. Abdulrakman Nor at Bangsamoro Tripartite Wage Productivity Board Designated Head Jennifer Vergara – Nur ang monitoring and visitation of private establishments sa bayan ng Buluan at Datu Paglas Maguindanao. Noong nakaraang buwan ang mga naturang establisimento ay lumahok sa isang araw na Labor Relations, Human Relations and Productivity (7S Good Housekeeping and ISTIV-PAP (LHP) CUM public Dialogue on Minimum Wage upang lalo pa umano nilang pag ibayuhin ang tamang pamamahala at relasyon sa pagitan ng may-ari ng establisimento at kanilang mga manggagawa. Sa mga susunod na buwan ay inaasahan umano na magkakaroon ng kahalintulad na programa mula MOLE sa mga probinsiya na kinasasakupan ng BARMM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *