MOLE-BLRS in D.O.S, Maguindanao

February 26, 2021| DOS Maguindanao
Isinagawa ngayong araw ng biyernes dito sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao partikular sa Datu Butucan Abas Elementary School, Baranggay Makir. Ang Orientation/Seminar On Labor Relations, Human Relations and Productivity (7S Good Housekeeping and ISTIV-PAP (LHP) CUM public Dialogue on Minimum Wage.
Ito ay bahagi o mandato ng Ministry of Labor and Employment na magsagawa ng mga ganitong aktibidades upang pag usapan o alamin ang mga karapatan ng isang manggagawa. Ilan sa mga tinalakay dito ay ang Minimum standard wages at kung anong mga benepisaryo o prebelihiyo ang nararapat sa isaang Mangagawa.
Ang naturang programa ay dinaluhan ng mga mangagawa mula sa AMAVI o Almujafar Agri- Ventures Inc. sa pangangasiwa ng kanilang presidente na si Datu Michael Abas at ng Baranggay Kapitan na si Datu Norodin Abas. Labis na nagpapasalamat ang mga dumalong mangagawa na sa pamamagitan ng MOLE- BARMM sila ay nabibigyang kaalaman sa mga karapatan nila bilang isang Mangagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *