MOLE-BLRS in Tacurong City

BANGSAMORO LABOR RELATION AND STANDARDS AT BANGSAMORO TRIPARTITE WAGE AND PRODUCTIVITY BOARD NAGSAGAWA NG ORIENTATION/SEMINAR ON LABOR RELATIONS AND PRODUCTIVITY (7S GOOD HOUSEKEEPING AND ISTIV-PAP (LHP) CUM PUBLIC DIALOGUE ON MINIMUM WAGE SA BAYAN NG TACURONG CITY, SULTAN KUDARAT.
March 30, 2021,Tacurong City -Dinaluhan ng iba’t-ibang representante ng mga establisimento mula sa maguindanao ang naturang oryentasyon upang alamin ang tamang pamantayan sa pamamalakad ng isang establisimento. Masinsinan ang talakayan ng mga paksa lalo na sa usaping tamang pasahod at mga karapatan ng mga manggagawa sa mga may-ari ng establisimento na kanilang pinagtatrabahuan. Mariin din pinaalalahanan ni Labor Employment Officer II Adnan Khasogi Mangondato na kahit pa sa ngayon ay tinamaan tayo ng pandemiya ay sikapin natin na magkaroon tayo ng pagkakaisa sa lugar kung saan tayo nagtatrabaho dahil ito pa rin ang ating pangunahing mithiin sa ating mga trabaho. Nakikita na ang naturang oryentasyon ay isa umano itong daan para lalong maging produktibo ang mga manggagawa na siyang kaagapay ng mga may-ari ng mga establisimento patungo sa kaunlaran ng Bangsamoro region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *