MOLE-BLRS ORIENTATION/SEMINAR ON LABOR RELATIONS AND PRODUCTIVITY

March 4, 2021 , Kabacan North Cotabato – Umabot sa 36 representante ng mga establisyimento ang dumalo sa isang araw na “ORIENTATION/SEMINAR ON LABOR RELATIONS AND PRODUCTIVITY (7S GOOD HOUSEKEEPING AND ISTIV-PAP) (LHP) CUM PUBLIC DIALOGUE ON MINIMUM WAGE”.Pinangunahan ni Bureau of Labor Relations and Standards (BLRS) Chief Abdulrakman Nor ang naturang programa upang maunawaan umano ng mga may-ari ng establisyemento ang tamang pamamaraan ng pagpapatakbo ng kani-kanilang negosyo na naayon sa batas ng paggawa katulad na lamang ang pagbigay ng tamang pasahod at ilang benepisyo. Tinalakay din ang tamang proseso kung papaano maging masinop ang mga manggagawa sa kanilang lugar kung saan sila nagtatrabaho at ito yung tinatawag na 7S GOOD HOUSEKEEPING. Sa huli binigyan ng pagkakataon ni Designated head Jennifer Ala ng Bangsamoro Tripartite Wage and Productivity Board (BTWPB) na mapakinggan ang mga katanungan hinggil sa mga tamang pasahod at ilan pang mga bagay na saklaw ng naturang departamento ng Ministry of Labor and Employment sa pamumuno ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *