MOLE-BOWW IN BASULTA PROVINCE

March 4, 2021 I Lamitan City, Basilan
Sa patuloy na pag-iimplementa ng mga proyekto ng Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM sa pangunguna ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA, ang Bureau of Overseas Workers Welfare (BOWW) ay nagsagawa ng magkasabay na orientation program sa Lamitan City, Basilan at Jolo, Sulu para sa mga
Bangsamoro OFW beneficiaries ng Reintegration Program: Hanapbuhay for Bangsamoro Balik Manggagawa ngayong ika-4 ng Marso, 2021.
Matagumpay na naisagawa ang nasabing programa sa Lamitan City, Basilan sa pangunguna ni designated BOWW OIC Head Farhana Aizah Adam kasama ang iba pang staff ng MOLE na ginanap sa Peek Restaurant and Home Stay Five Leaf. Nasa 177 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalagang P20,000.00.
Samantala, sa Jolo, Sulu naman ay pinangunahan ng OIC Head ng ZamBasulta Satellite Office na si Senior Labor and Employment Officer (SLEO) Jemimah K. Amin-Ilaji ang orientation program na isinagawa sa Boy Scout Santanina Complex, kung saan 30 Bangsamoro OFWs ang nabigyan ng nasabing tulong.
Ang nabanggit na aktibidad ay bahagi ng Catch-up Plan ng BOWW na naglalayong maibahagi sa mga benepisyaryo ng Reintegration Program para sa taong 2020 ang tulong na mula sa MOLE-BARMM.
Abangan ang napipintong pagbubukas ng naturang programa para sa taong 2021 na iaanunsyo sa Official Facebook Page ng MOLE-BARMM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *