MOLE celebrates 119th BANGSAMORO LABOR DAY 2021

PAGDIRIWANG NG IKA 119TH BANGSAMORO LABOR DAY 2021 MATAGUMPAY
May 1, 2021 – Pinangunahan ng Ministry of Labor and Employment ang pagdiriwang ng ika 119th Bangsamoro Labor Day kanina sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, BARMM Compound Cotabato City, BARMM. Sa pagdiriwang na ito ay ipinrisenta ni Minister MP Romeo K. Sema ang kabuuan ng pinagusapan noong nakaraang Bangsamoro Labor Summit ang mga hakbang o mekanismo upang mapagtagumpayan ng mga manggagawa at mga taga empleyo ang laban kontra COVID-19. Samantala hindi naging balakid sa mga inimbitahang panauhin mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang kanilang partisipasyon mula sa panganib ng COVID-19 dahil kahit sa pamamagitan ng video teleconferencing ay nagbigay sila ng kani-kanilang pagbati sa mahalagang araw na ito ng mga manggagawa. Pinarangalan din ang ilang empleyado mula sa ibat-ibang Ministeryo, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa kani-kanilang mga trabaho.Nagkaroon din ng jobs fair at COVID-19 vaccination sa pakikiisa ng Ministry of Health at IPHO Maguindanao at marami sa mga naroon ang nagpabakuna laban sa COVID-19 kabilang na umano dito ang mga empleyado ng Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *