MOLE in KCC Mall Cotabato City construction site

February 4, 2021 – Tinungo ni MOLE Minister MP Romeo K. Sema, DPA at designated head ng MOLE -BARMM, CCFO Engr. Dimaporo Diocolano ang KCC Mall construction site upang siyasatin umano ito kung sumusunod sila sa legal na pamantayan ng paggawa na siyang mandato ng Ministry of Labor and Employment. Ayon kay Sema mahalaga na maipatupad ang karapatan ng mga empleyado o manggagawa kabilang na rito ang pagtanggap ng suweldo na nakabatay sa minimum wage order. Hiningi ng mga namamahala mula sa KCC Mall na tulungan sila ng MOLE sa pamamagitan ng “skills job matching” upang makakuha sila ng magagaling na empleyado. Ipinahayag ni Minister Sema na laging bukas ang kanyang tanggapan ng MOLE-Cotabato City Field Office upang tumulong.Ang KCC Mall Cotabato ang pinakamalaking mall sa buong kasaysayan ng KCC dito sa mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *