MOLE visits CEEP beneficiaries

Binisita nina Minister MP Romeo K. Sema, DPA at MOLE-CCFO Head Engr. Dimaporo Diocolano ang mga benepisaryo ng Community Emergency Employment Program na kasalukuyang naglilinis sa kanilang komunidad sa may Kalanganan Mother, Cotabato City. Ang CEEP program ay isa nang regular program ng Ministry of Labor and Employment simula ngayong taon 2021 kung matatandaan taong 2020 ang naturang inisyatibo ay pinondohan ng International Labour Organization (ILO) at The People of Japan. Malaking tulong sa mga mamayan ng Bangsamoro lalo pa ngayon panahon ng pandemiya na magkaroon sila ng pansamantalang hanapbuhay habang nakakatulong sila sa kani-kanilang komunidad.