MOU between MOLE and CHD

Memorandum of Understanding between the Ministry of Labor and Employment – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao and the Henry Dunant Centre for Humanitarian Dialogue for “Boost Bangsamoro” opisyal nang nilagdaan
May 10, 2021 – Matagumpay na nilagdaan ang isang kasunduan o memorandum of understanding sa pagitan ng Ministry of Labor and Employment at Centre for Humanitarian Dialogue o CHD. Nagpanukala ang CHD na makipagtulungan sa MOLE at iba pang mga kagawaran ng gobyerno sa ilalim ng proyekto ng Boost Bangsamoro upang sumangguni sa isang kinatawan na pangkat ng mga mamamayan ng Bangsamoro. Magbibigay ito ng pagkakataon sa Ministeryo ng isang payak na pag-unawa sa mga pananaw at karanasan ng mga mamamayan na maaaring isama sa mga polisiya upang mapabuti ang ekonomiya ng mga mamamayan ng Bangsamoro na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Pinasalamatan ni Minister MP Romeo K. Sema si Senior Programme Manager ng Center for Humanitarian Dialogue Iona Jalijali sa patuloy nitong suporta sa mga programa para sa Bangsamoro katulad na lamang ng UBDP o Unified Bangsamoro Development Plan na binubuo ng mga binalangkas na programa sa pagitan ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *