MP Sema visits Buluan and Datu Paglas, Maguindanao

September 13, 2021- Araw ng lunes unang tinahak ni Minister MP Romeo K. Sema,DPA sampu ng kanyang mga kasama ang DELTA FISHING COMPANY na pagmamay-ari ni former Congressman Dong G. Mangudadatu upang personal na kumustahin ang mga manggagawa at makipag-pulong na rin sa mga namamahala dito para sa mga inisyatibo sa pagitan ng MOLE at DELTA FISHING COMPANY
Pangalawang pinuntahan ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA ang COWBOY SECURITY AGENCY,INC. upang ipamahagi ang COVID-19 ASSISTANCE PROGRAM para sa may 202 manggagawa ng naturang ahensiya na pagmamay-ari ni Datu Mohammed Youseff P. Paglas. Sa mensahe ni Minister Sema pinaalalahanan umano nito ang mga naroon ng kanilang kooperasyon sa kasalukuyang estado ng gobyerno ng Bangsamoro government at kung bakit kailangan magkaroon ng mahusay na kolaborasyon sa pagitan ng National government,Bangsamoro government at lokal na pamahalaan upang matamasa ng mga mamamayan ang magandang serbisyo para sa hinaharap.Samantala walang sinayang na oras si Minister Sema habang kasalukuyang pinamamahagi ang mga tulong pinansyal para sa mga manggagawa ng COWBOY SECURITY AGENCY, INC. ay binisita niya ang lokal na pamahalaan ng PAGLAT upang makipagpulong kay Mayor Abdulkarim T. Langkuno upang pag-usapan ang mga proyekto ng MOLE-BARMM kabilang na dito ang pagkakaroon ng PESO o Public Employment Service Office sa kanilang lugar. Bago matapos ang araw ay pinuntahan din ni Minister Sema ang AGUMIL Philippines upang personal na makita ang lugar ng pagawaan ng palm-oil na inaangkat pa sa labas ng bansa mismo si AGUMIL COO Rosalio Khan ang naroon upang personal na makausap si Minister Sema sa mga positibong hamon na kanilang kinakaharap sa ngayon panahon ng pandemiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *