OPENING OF APPLICATIONS FOR REINTEGRATION PROGRAM

ADVISORY
Muli na pong tatanggap ang Ministry of Labor and Employment (MOLE-BARMM) ng mga aplikasyon para sa Reintegration Program: Hanapbuhay for Bangsamoro Balik Manggagawa simula May 24, 2021 (Lunes) hanggang May 28, 2021(Biyernes).
Ang nasabing programa ay naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga returning Bangsamoro Overseas Filipino Workers (OFWs) na WALA NANG BALAK PANG MANGIBANG-BANSA MULI. Ang bawat kwalipikadong aplikante ay makakatanggap ng tulong-pinansyal bilang puhunan sa pagsisimula ng isang negosyo at mga pagsasanay o trainings na magbibigay kaalaman sa pagpapatakbo ng isang negosyo.
KWALIPIKASYON:
Mga Bangsamoro OFW na nakauwi sa Pilipinas simula noong January 1, 2019 hanggang sa kasalukuyan at WALA NANG BALAK PANG MANGIBANG-BANSA MULI na nakaranas ng alin man sa mga sumusunod:
1. Nawalan ng trabaho dahil sa gyera o politikal na hidwaan o di kaya ay reporma sa mga polisiya ng gobyerno ng host country
2. Biktima ng illegal recruitment o human trafficking
3. Nakaranas ng pagmamaltrato o pang-aabuso (halimbawa: multiple employers, underpaid/unpaid salary and/or benefits, etc.)
4. Nakaranas ng iba pang uri ng paghihinagpis o paghihirap dulot ng mga iba’t ibang sitwasyon tulad ng COVID-19 pandemic
REQUIREMENTS:
1. Original and photocopy of accomplished Application Form
2. Photocopy of passport or travel document
3. Photocopy of proof of overseas employment (e.g. valid verified employment contract, Overseas Employment Certificate (OEC), work permit/visa)
4. Photocopy of arrival stamp issued by the Bureau of Immigration upon arrival in the Philippines
5. Accomplished Project Proposal Form
6. 2 pcs. 2×2 ID picture
7. Original copy of Barangay Certificate
8. Photocopy of airline ticket or boarding pass (if available)
9. *For repatriated distressed Bangsamoro OFWs: Certification from POLO/ OWWA
HANGGANG KAILAN MAAARING MAGSUMITE NG MGA REQUIREMENTS?
 May 24, 2021 (Lunes) hanggang May 28, 2021 (Biyernes)
SAAN NGA BA MAAARING MAGSUMITE NG MGA REQUIREMENTS?
Isumite lamang ang mga requirements sa MOLE Field Office na matatagpuan sa inyong siyudad o probinsya.
 Para sa mga residente ng Cotabato City:
MOLE COTABATO CITY FIELD OFFICE
Door 1, Roma Building, Sinsuat Avenue
Cotabato City
(Landmark: beside Penong’s Barbecue Seafood and Grill)
 Para sa mga residente ng Maguindanao Province (maliban sa mga residente ng Pagalungan at Datu Montawal Municipality):
MOLE MAGUINDANAO FIELD OFFICE
Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat
Maguindanao
(Landmark: at the back of Azliah Hardware)
 Para sa mga residente ng 63 Barangays in North Cotabato Province, Pagalungan Municipality at Datu Montawal Municipality:
MOLE SPECIAL GEOGRAPHIC AREA FIELD OFFICE
Door 1, Guiabar Building, Brgy. Kayaga
Kabacan, Cotabato
(Landmark: along Davao-Cotabato National Highway)
 Para sa mga residente ng Lanao del Sur Province at Marawi City:
MOLE MARAWI CITY AND LANAO DEL SUR FIELD OFFICE
51 Baguindali Street, (Capitol Road, Sarimanok Area) Brgy. Poblacion
Marawi City
(Landmark: in front of Jazira Hospital and the old DAR-ARMM Office)
 Para sa mga residente ng Basilan Province:
MOLE BASILAN FIELD OFFICE
Sayugan, Brgy. Colonia
Lamitan City, Basilan
(Landmark: in front of a local mosque)
 Para sa mga residente ng Sulu Province:
MOLE SULU FIELD OFFICE
HKI Polar building,
Travisi Street, Jolo, Sulu
(Landmark: at the back of Sulu Cathedral)
 Para sa mga residente ng Tawi-Tawi Province:
MOLE TAWI-TAWI FIELD OFFICE
Beachside Inn, Brgy. Simandangit
Bongao, Tawi-Tawi
 Para sa mga residente ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi Province na nataon/nastranded sa Zamboanga City:
MOLE ZAMBOANGA SATELLITE OFFICE
HKI Apartment D1, Veterans Avenue Extension, Tumaga Road
Sta. Maria, Zamboanga City
PAANO NGA BA MAG-APPLY?
1. Tanungin muna ang sarili kung desidido nang manatili sa Pilipinas. Ang programang ito ay para lamang sa mga returning Bangsamoro OFWs na dumating noong January 1, 2019 hanggang sa kasalukuyan at WALA NANG BALAK NA MANGIBANG-BANSA PA.
2. Mag-isip ng negosyong nais pasukin na naaayon sa kakayahan, talento at kaugalian.
3. Panoorin ang ‘video tutorial’ kung paano pupunan ang Project Proposal Form. Gumawa ng project proposal draft na maaari mong dalhin at kopyahin sa araw ng pagsusumite ng mga requirements.
4. Personal na pumunta sa MOLE Field Office na matatagpuan sa inyong siyudad o probinsya at dalhin ang mga requirements sa nakatakdang araw ng pagbubukas ng programa.
5. Sundin lamang ang mga sumusunod na STEPS:
STEP 1.
Ipresenta ang mga requirements sa awtorisadong MOLE personnel at kumuha ng application at project proposal form.
STEP 2.
Punan ang application at project proposal form ng tamang impormasyon.
STEP 3.
Ipa-photocopy ang napunang application form. Isumite ang mga forms at requirements sa awtorisadong MOLE personnel.
STEP 4.
Bago lisanin ang MOLE Field Office, isulat ang pangalan, address, contact number, date of arrival in the Philippines, at date of application sa nakatalagang logbook.
MAHALAGANG PAALALA:
1. Huwag makipagtransaksyon sa mga di awtorisadong tao. Tanging MOLE employees lamang ang pagtanungan at pagsumitehan ng mga requirements. Mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipagtransaksyon sa ‘third parties o fixers’.
2. Kumuha lamang ng application at project proposal form sa MOLE Field Office. Hindi po namin tatanggapin ang mga application form na hindi galing sa aming field offices. Ang naturang forms ay libre, wala ring ‘processing fee’.
3. Hindi na maaaring mag-apply muli ang mga nakakuha na noon ng tulong-pinansyal mula sa Reintegration Program.
4. Ang lahat ng aplikasyon ay isasailalim sa isang ebalwasyon. Ang lahat ng kwalipikadong aplikante na napili ay makakatanggap ng tawag at text message kung kailan ang schedule ng orientation at training.
5. Ang tulong-pinansyal ng MOLE-BARMM ay makukuha lamang ng kwalipikadong aplikante pagkatapos nitong dumalo sa orientation at training.
6. Sa mga aplikanteng hindi naman makakapupunta o makakadalo sa ALIN man sa tatlong yugto ng Reintegration Program: Hanapbuhay for Bangsamoro Balik Manggagawa, marapat na huwag na lang po tayong magsumite ng ating aplikasyon. Ang sumusunod na mga yugto ay nangangailangan ng personal na pagdalo ng benepisyaryo.
1- Application Process (araw ng pagsumite ng mga aplikasyon)
2- Orientation/Training (araw ng pagsasanay o trainings na magbibigay kaalaman sa benepisyaryo patungkol sa pagpapatakbo ng isang negosyo)
3- Releasing of Cash Grants (araw ng pamamahagi ng tulong-pinansyal)
7. Sundin ang mga minimum health standards:
Observe Social Distancing
Wear mask/face shield properly
Wash/sanitize hands regularly
Believe in Allah!
Antabayanan lamang po ang isang video tutorial patungkol sa project proposal form at kung paano ito pupunan. Ang nasabing video ay i-a-upload dito sa aming Official Facebook Page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *