Pamamahagi ng starter kits sa mga benepisyaryo ng Reintegration Program

 

July 27, 2020 – Ang Bureau of Overseas Workers Welfare (BOWW) ng Ministry of Labor and Employment-BARMM ay nagsimula nang mamahagi ng starter kits sa mga benepisyaryo ng Reintegration Program: Hanapbuhay para sa Bangsamorong Balik Manggagawa sa Cotabato City at Maguindanao. Ang inisyatibong ito ng MOLE ay makakatulong upang magkaroon at makapagsimula muli ng mapagkukunang hanapbuhay ang mga dating overseas workers sa pamamagitan ng ‘self-employment’. Ito ay pinangunahan nina Minister MP Romeo K. Sema at designated head ng BOWW na si Ms. Farhana Adam,RN kasama ang mga kawani ng BOWW.
Ang mga start-up capital/goods na ito ay magagamit ng mga Returned Overseas Bangsamoro Workers sa pagpapatayo ng maliit na negosyo gaya ng Sari-Sari store o iba pang uri ng pansariling kalakalan tulad ng parlor, repair shop at iba pa.
Pinagpaplanuhan na rin ang pagsasagawa ng naturang Programa sa iba pang probinsyang sakop ng BARMM.

MOLE-ICTG: Alex,Nhed and Yara

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *