Reintegration Program and Repatriated Ofw

December 1, 2021- Umabot sa 350 benepisaryo ng reintegration program mula sa lalawigan ng Maguindanao ang tumanggap ng tig-dalawampung libong piso at kasama rin ang may 21 mga repatriated ofw mula sa lalawigan ng Maguindanao at 11 mula sa Cotabato City ang tumanggap ng tig-sampung libong pisong tulong pinansiyal. Dumalo sa nasabing programa si Minister Romeo K. Sema, DPA upang saksihan at personal na maiabot ang naturang tulong pianansiyal sa mga benepisaryo. Sa mensahe ni Minister Sema “Pasasalamat sa Allah (S.W.T) sa kadahilanang ang ating Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ng Bangsamoro government ay hindi niya tayo pinababayaan at sa Ministry of Labor and Employment na ang tanging papel nito sa programang ito ay pangalagaan ang pondo nito at ipamahagi sa mga kapatid nating OFW.Naging matagumpay ang naturang programa sa pakikipagtulungan ng mga opisyales ng Ministry of Labor and Employment sa pangunguna ni Bangsamoro Director General Engr.Dong K. Anayatin, Overseas Bangsamoro Worker Director Anwaruddin Tayuan, MOLE Maguindanao Designated Head Abdulatip Pinguiaman, MOLE-CCFO Designated Head Engr.Dimaporo Diocolano,Bureau Chief Arthur Dalid, Jr. at ni Senior Labor Employment Officer Farhana Aiza Adam.