Reintegration Program at Cotabato City

November 23, 2021- 400 na benepisaryo ng Reintegration Program:Hanapbuhay for Bangsamoro Balik Manggagawa F.Y 2021
mula sa siyudad ng Cotabato City ang tumanggap ng tig dalawampung libong piso mula sa Ministry of Labor and Employment. Ang naturang tulong pinansyal ay para sa mga Overseas Bangsamoro Worker na hindi na nagbabalak bumalik sa ibayong dagat upang magtrabaho at nais magsimula ng maliit na kabuhayan o negosyo. Ayon kay MOLE-CCFO Head Engr.Dimaporo Diocolano ang lahat ng naroon na benepisaryo ay dumaan sa masusing beripikasyon upang masiguro na ang lahat ng makakatanggap ay higit na nangangailangan. Sa mga darating na mga araw ayon kay OBW -MOLE Director James Tayuan ay sisimulan na rin ipamahagi sa ibat-ibang probinsiya ng BARMM ang mga tulong pinansyal sa mga kuwalipikadong benepisaryo. Sa huli pinaalalahanan ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA na maging masinop at palaguin ang bawat hanapbuhay o negosyo na nais nilang gawin.