Reintegration Program at SGA

December 6, 2021 – 200 benepisyaryo mula sa reintegration program at 32 pinauwing OFWs mula sa Special Geographic Area (SGA) ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Ministry of Labor and Employment. Pinangunahan ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA kasama ang ilang matataas na opisyales na sina OWWB Director Annuarudin Tayuan, OWWO V Arthur Dalid,Jr. , at Chief LEO Maynard Jamolod ,SLEO Ms.Farhana Adam at MOLE-SGA Designated Head Moctar Macalipat ang pamamahagi ng nasabing tulong pinansiyal sa mga Overseas Filipino Workers. Sa mensahe ni Minister Sema, pinaalalahanan umano nito ang mga benepisyaryo na naroon na bagama’t natapos nila ang kani-kanilang mga kontrata sa ibayong dagat ay kinakailangan umano nilang mag-isip ng ibang alternatibong hanapbuhay.