Releasing/Orientation of Beneficiaries Under the Reintegration Program in Cotabato City

December 22-23, 2020 – Nagpatuloy sa pamimigay ng cash assistance ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa pamamagitan ng Bureau of Overseas Workers Welfare (BOWW) sa programang Releasing/Orientation of Beneficiaries Under the Reintegration Program: Hanapbuhay for Bangsamoro Balik Manggagawa. Ang programang ito ay pinangunahan ni designated Bureau Head Farhana Aizah Adam. Nasa humigit tatlong daan ang dumalo na dati umanong overseas workers na kasalukuyang naninirahan sa maguindanao.

Ang orientation ay naganap noong miyerkules at huwebes ika-22 at 23 ng Disyembre, 2020 sa Pagana Kutawato Restaurant, Cotabato City. Ang mga Bangsamoro workers ay nabigyan ng kaalaman ukol sa basic entrepreneurial skills, financial literacy at basic bookkeeping. Napag-usapan din ang memorandum of understanding tungkol sa pagpapatayo ng munting negosyo, tulad ng sari-sari stores, mula sa tulong pinansyal na nagkakahalagang P20,000.00, kasali na ang starter kits, para sa bawat manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *