Safety Officers

September 24, 2021 – Dalawampu’t-limang manggagawa mula sa hanay ng Ministry of Labor and Employment kasama ang ilang representante mula sa pribadong sektor sa loob ng rehiyon ng Bangsamoro ang sumailalim sa isang linggong “ Construction Occupational Safety and Health for Safety Officer II and Lost Control Management for Safety Officer III Training.”Sa pakikipagtulungan ng Ministry of Labor and Employment sa pangunguna ni Minister MP Romeo K. Sema,DPA at International Labor Organization at The People of Japan nais umano nilang tumaas ang kalidad ng kaalaman ng mga manggagawa lalo pa’t sa usaping kaligtasan na siyang isa sa mga pangunahing tinitingnan o tinututukan sa mga tanggapan na kanilang pinapasukan. Sa mensahe ni Minister binati umano nito ang bawat isa at pinaalalahanan umano nito ang mga bagong Safety Officers na kailangan umano nilang ipatupad ang kanilang nalalaman sa naturang pagsasanay sa kani-kanilang mga trabaho. Ginanap ang naturang pagsasanay ng mga safety officers sa ABS Safety Management and Training Center.
#SayManggagawa
#serbisyongmaggagawaparasabangsamoro
#internationallabororg
#peopleofjapan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *