Transition and Monitoring Committee Meeting

December 4, 2020 – Nagtungo ang mga opisyal at representante ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) bilang bahagi ng MOLE delegation sa Koronadal City upang idaos ang tatlong araw na pagpupulong-“Transition and Monitoring Committee Meeting”-kasama ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment Region XII (DOLE-XII) noong Dec. 1-3, 2020.
Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng paghahanda sa darating na pag turn over ng mga programa at serbisyo at inaasahang kaakibat na pondo para sa mga programang nasyonal ng DOLE-XII Cotabato City field office at iba pang naka-angklang ahensya ng DOLE, para sa Cotabato City at 63 barangays ng North Cotabato, sa MOLE-BARMM.
Sa ngalan ni Minister MP Romeo K. Sema, DPA, ang MOLE-BARMM ay nirepresenta ng kanyang delegasyon sa pangunguna ng designated Head ng MOLE Bureau of Labor Relations and Standards (BLRS) na si Mr. Abdulrakman Nor. Siya rin ang Head ng sub-Technical Working Group para sa naturang turn-over.
Sina Atty. Sixto Rodriguez, Jr. at Ms. Arlene Bisnon na pawang kasalukuyang Assistant Regional Directors (ARD) naman ang nanguna sa delegasyon ng DOLE-XII na pinamumunuan ni Regional Director Raymundo Agravante.
Bilang bahagi ng pagpupulong, napag-usapan ang bawat proseso ng mga mahahalagang programa at serbisyo na ililipat sa pangangalaga at pagpapatupad ng MOLE-BARMM. Kabilang dito ang mga pangunahing programa at serbisyo ng DOLE, Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), National Reintegration Center for OFWs (NRCO), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), National Labor Relations Commission (NLRC), National Conciliation and Mediation Board (NCMB), Professional Regulation Commission (PRC), Occupational Safety and Health Center (OSHC), at Employees’ Compensation Commission (ECC).
Sa kanyang mensahe, sinabi ni ARD Rodriguez na ang nasabing pagpupulong ay makasaysayan sapagkat ito ay naganap sa kauna-unahang pagkakataon at handa na umano ang DOLE-XII na gabayan at i-turn over sa MOLE-BARMM ang mandato na dati nilang pinamamahalaan para ito sa ikauunlad ng labor sector ng BARMM. Binigyang diin din ni ARD Rodriguez na ang pundasyon ng lahat ng pagsisikap nating makapagsilbi ng maayos sa ating labor sector ay nakasaad sa ating Saligang Batas na tumutukoy sa “Social Justice.”
Sinabi rin ni MOLE Deputy Minister Matarul Estino na napakahalaga ng naganap na pagpupulong dahil ito ay patungo sa hangarin at pagsisikap ng BARMM government na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga Bangsamoro at sa lahat ng mga taong naninirahan at nasasakupan ng BARMM para sila ay mapaglingkuran ng matiwasay at mas mabilis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *