UN visits MOLE

November 29, 2021 – Binisita ni United Nations Resident Coordinator Gustavo Gonzales kasama ang mga kinatawan ng United Nations Office of the Coordination of Humanitarian Affairs (UN-OCHA) at United Nations Populations Funds (UNFPA) ang Ministry of Labor and Employment. Ito na ang pangalawang pagbisita ni Mr. Gonzales ngayong taon kasalukuyan dahil kung matatandaan noong nakaraang pebrero mula nung siya ay manungkulan bilang resident coordinator ng United Nations ay binisita na umano nito si Minister MP Romeo K. Sema, DPA. Ayon kay Mr. Gonzales 65% ng mga proyekto ng United Nations sa buong bansa ay nakatuon sa Bangsamoro region at positibo umano ang hatid ng pagkakaroon ng ekstensiyon ng Bangsamoro Transition Authority para mabigyan pa ng panahon na maisakatuparan ang mga ilang panukalang batas at polisiya tungo sa ikakaunlad ng Bangsamoro. Ibinahagi rin ni Minister Sema ang kasalukuyang binabalangkas na Bangsamoro Labor Code na isa sa mga prayoridad ni Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim. Nangako ang naturang grupo na tutulungan umano nila ang Gobyerno ng Bangsamoro at inaasahan na sa susunod na taon ay sisimulan na nila ang kolaborasyon sa bawat ahensiya ng Bangsamoro.